^

Probinsiya

Higit P95 milyong shabu at marijuana sinunog ng PDEA sa Region 6

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Higit P95 milyong shabu at marijuana sinunog ng PDEA sa Region 6
Ayon kay PDEA-Western Visayas Director Alex Tablate, ito ang pinakamalaking pagsunog sa nasabat na iligal na droga sa rehiyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P95,549,936.82 halaga ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Western Visayas (Region 6) sa pamamagitan ng thermal destruction sa Acropolis Gardens sa Barangay Bata noong Biyernes.

Ayon kay PDEA-Western Visayas Director Alex Tablate, ito ang pinakamalaking pagsunog sa nasabat na iligal na droga sa rehiyon.

Sinabi rin ni Tablate ang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P93,788,833.60 at 12,431.0244 gramo ng ma­rijuana na nagkakaha­laga ng P1,761,103.2267 ang sinira.

Kabilang sa mga sinunog ang narekober ng mga pulis at PDEA sa rehiyon na iligal na droga ay ang P20.4-mil­yong shabu sa Bacolod Real Estate Development Corp. (Bredco) Port noong Enero; P34 mil­yong shabu sa Escalante City, Negros Occidental nitong Marso, at P13.6 milyong shabu sa San Carlos City, Negros Occidental kamakailan.

Ipinaliwanag ni Ado­nis Abueva, hepe ng PDEA-Western Visayas laboratory, na nakasaad ang proseso sa ilalim ng Section 21 ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Base kay Abueva, pinili nila ang Acropolis Gardens dahil kaya nitong wasakin ang iligal na droga nang hindi nakasisira sa kapaligiran at sa mga tao dahil ang substances nito ay sumasailalim sa dalawang burning processes.

Aniya, ang mga nasabat na items na isinailalim sa thermal destruction ay kumpirmadong iligal na droga dahil sumailalim ang mga ito sa Simon’s Test.

Isinagawa ang thermal destruction upang alisin ang duda ng publiko sa drug recoveries, at binigyang-diin na kaila­ngan talaga itong sirain.

vuukle comment

MARIJUANA

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with