^

Probinsiya

Single mom, 2 paslit na anak minasaker!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Single mom, 2 paslit na anak minasaker!
Kinilala ni P/Col. Reynold Rosero, Romblon police director, ang mga biktima na sina Wielyn Mendoza, 29-anyos, single mother, at kanyang mga anak na lalaki na sina TJ alias “Boy”, 9-anyos, at JB alias “Jun”, 7-anyos.
STAR/File

Matapos dumalo sa birthday party

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang single parent at dalawa niyang anak matapos silang katayin sa loob ng kani­lang tahanan ng ‘di pa kilalang salarin sa San Jose, Romblon ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Col. Reynold Rosero, Romblon police director, ang mga biktima na sina Wielyn Mendoza, 29-anyos, single mother, at kanyang mga anak na lalaki na sina TJ alias “Boy”, 9-anyos, at JB alias “Jun”, 7-anyos.

Ang mag-iina ay natagpuan ng kanilang kaanak na kapwa nali­ligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang kuwarto sa Sitio Upper Hinulugan, Barangay Poblacion dakong alas-12:35 ng madaling-araw.

Sinabi ni Rosero na nalaman nila ang karumal-dumal na krimen nang magtungo sa ka­nilang himpilan dakong alas-9 ng umaga ang kapatid na lalaki ng nasawing ginang na si Wilbert at isang Charlie Seraspi upang ireport ang insidente.

Nauna rito, lumalabas sa imbestigasyon na dumalo ang mag-iina sa isang birthday party sa bahay ng ka­nilang kapitbahay na si Jack Gregorio noong Martes ng gabi o bago naganap ang krimen.

Matapos ito, nagpas­yang umuwi na sa ka­ni­lang bahay ang mga biktima mula sa handaan kasama si Seraspi.

“ The victim’s brother who is also a neighbor of the victims called at the house of the victim, but, no one answered and he saw the door of house was open and he tried to enter and again until he found the bodies of the victims,” ani Rosero.

Sinabi ni P/Staff Ser­geant Felix Millares, may hawak ng kaso, na may dalawang posibleng “persons of interest” na sila sa masaker.

Sinisiyasat din ng pulisya kung tinangkang­ gahasain ang ginang sanhi upang siya ay manlaban kung kaya pinagsasaksak at di­na­may pang patayin ng suspek ang mga paslit nitong anak.

vuukle comment

REYNOLD ROSERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with