^

Probinsiya

Miyembro ng Abu Sayyaf todas sa engkuwentro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng Abu Sayyaf todas sa engkuwentro
Napatay si Makumbong nang magkaputukan habang sinusubu­kang arestuhin ng 4th Marine Brigade, Naval Task Group – Sulu, PNP Sulu Regional Office at iba pang law enforcement agency sa bahay ng suspek.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang hi­ni­hinalang Abu Sayyaf member sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Luuk, Sulu.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Marine Corps Public Affairs Office.

Sa isang statement, kinilala ang suspek na si Aldasir Makumbong o ‘Alsimar Mangumah’ na siya ring subject ng inihain na warrant of arrest ng mga otoridad dahil siya ang itinutu­rong primary suspect sa pagpatay sa businesswoman sa Zamboanga City at sangkot pa sa pagnanakaw at illegal drug trade.

Ayon sa militar, si Makumbong din ay pi­naghihinalaang finan­cer ng Abu Sayyaf na nagbibigay ng logistical support sa grupo, lalo na sa lider nitong si ‘Addal’.

Napatay si Makumbong nang magkaputukan habang sinusubu­kang arestuhin ng 4th Marine Brigade, Naval Task Group – Sulu, PNP Sulu Regional Office at iba pang law enforcement agency sa bahay ng suspek.

Nadala pa sa ospital­ ang suspek ngunit idi­nek­larang dead on arrival.

Narekober sa suspek ang M14 rifle, ma­gazine, tatlong spent shell ng 7.62mm at kahon na naglalaman ng dried marijuana leaves.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with