2 HVI sa droga sumuko
OLONGAPO CITY, Philippines — Kusang loob na sumuko ang dalawang High Value Individuals (HVI) sa mga otoridad sa lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ni Police Colonel Jeric Villanueva, acting city Director, ang mga sumuko na sina John Mark Fua, isang parking attendant, na nakalista bilang isa sa mga drug personality ng lungsod.
Si Fua ay kasapi ng grupong kriminal na “Clavo” na sangkot sa salisi, basag kotse at mga insidente ng robbery sa Olongapo City at Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).
Kusang loob din na sumuko si Augusto Caesar Castañeda sanhi ng kanyang mga karamdaman tulad ng matinding rheumatic arthritis, hika at pagkawala ng pandinig.
- Latest