^

PSN Palaro

Twice-to-beat na ang Benilde

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng College of Saint Benilde ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-14, 25-12, 25-18, upang lumapit sa inaasam na sweep sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Muling naglatag ng mainit na laro si Jade Gentapa nang humataw ito ng 15 puntos mula sa 13 attacks at dalawang blocks para pamunuan ang Lady Blazers na makuha ang ikawalong sunod na panalo.

Dahil dito, nakasisiguro na ang Benilde ng twice-to-beat advantage sa Final Four.

“Yung mindset and posi­tiving thinking yun siguro ang nagdala sa amin. Paulit-ulit na sinasabi ni coach na kung ano yung tinitraining namin sa court, ilabas lang namin sa game,” ani Gentapa.

At kung mawawalis nito ang eliminasyon, awtomatikong uusad ang Lady Blazers sa finals.

Ngunit daraan muna sa matinding pagsubok ang Benilde dahil makakaharap nito ang defending champion Arellano University sa Sabado sa parehong venue.

Tuluyan nang nasibak sa kontensiyon ang Lady Altas na nahulog sa 2-6 marka.

Dominado ng Lady Bla­zers ang buong panahon ng laro matapos magpaka­wala ng 38 attacks laban sa 22 lamang ng Lady Altas.

Nakakuha pa ang Benilde ng 7-2 edge sa b­locking department at matikas na 10-1 bentahe sa service aces.

Lamang din ang Lady Blazers sa depensa matapos umani ng 48 digs.

Sa unang laro, ginulan­tang ng Colegio de San Juan de Letran ang Mapua University, 25-17, 25-21, 25-18, para mapaganda pa ang rekord nito sa 2-6.

Naglista si Juls Castro ng 19 points, 16 excellent digs at apat na excellent receptions para pamunuan ang Lady Knights sa panalo.

Nalaglag naman sa 4-4 ang Lady Cardinals.

vuukle comment

COLLEGE OF SAINT BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with