^

PSN Palaro

Knights, Saints bakbakan sa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — D-League Matapos ang ilang taon na pagkakatengga, magbabalik-aksyon na ang 2022 PBA D-League Aspirants Cup ngayong araw sa Smart  Araneta Coliseum.

Unang masisilayan ang bakbakan ng Wangs Basketball-Letran at Adalem Construction-St. Clare.

Inaasahang magiging mainit ang banggaan ng Knights at Saints sa alas-10:30 ng umaga.

Agad naman itong susundan ng duwelo ng CEU at AMA Online sa alas-12:30 ng umaga.

Kapwa kampeon ang Letran at St. Clare sa kani-kanyang liga.

Naghari ang Knights sa nakalipas na NCAA Season 97 men’s basketball tournament habang namayagpag naman ang Saints sa NAASCU men’s basketball tournament.

Maliban sa Letran at St. Clare, ang iba pang teams sa kumperensiyang ito ay ang EcoOil-La Salle, Builders Warehouse-UST, Apex Fuel-San Sebastian at Marinerong Pilipino.

Lalaruin ang mga laro tuwing Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City simula sa alas-11 ng umaga. 

vuukle comment

D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with