^

PSN Palaro

Ramirez humingi ng suporta sa mga sports leader

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Ramirez humingi ng suporta sa mga sports leader
Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hinimok ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez ang mga sports leaders at publiko na suportahan at ipagdasal ang mga atletang sumabak sa 31st Southeast Asian Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Ramirez, tingnan ang mga positibong bagay na puwedeng paghugutan ng mga atleta ng inspirasyon sa SEAG at sa ibang pang international tournaments na sasalihan.

“We must remind everyone that our taking part in the Vietnam SEA Games has a bearing in our build-up to our competing in bigger international competitions such as the Asian Games and Olympics. Let us look at the bigger picture,” ani Ramirez.

Sinabi ni Ramirez na mas maigi kung huwag na munang magbigay ng komento na puwedeng ikasira ng diskarte ng mga atletang lumalaban pa sa Vietnam.

“Let us not make any judgments or criticisms of our athletes who are still competing in Vietnam. Let us not discourage them and continue to support them all the way,” wika pa ni Ramirez. “There will be a time and place for that.”

Hinangaan ni Ramirez ang national judo team sa kanilang determinasyon, sinabi nitong isang magandang halimbawa sila dahil nalampasan nila ang mga pagsubok bago tumungo sa Vietnam.

Kahit wala ang pambato ng Pinoy judokas na sina Kiyomi Watanabe at Mariya Takahaski na mga nagsipagwagi ng gold medals sa nakaraang 2019 Philippine SEA Games ay nanatili na buo ang kanilang loob na lumaban.

Sa halip na masira ang diskarte ay nagpursige ang Pinoy judokas sa kanilang trainings kaya naman nakasilo sila ng dalawang gold medals.

Sina Rena Furukawa at Shugen Nakano ang sumungkit ng ginto sa women’s 57-kilogram at men’s 66-kg divisions ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

WILLIAM “BUTCH” RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with