^

PSN Palaro

3 players puntirya ng UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
3 players puntirya ng UP
Bo Perasol
Released

MANILA, Philippines — Magpapalakas pa ng husto ang University of the Philippines (UP) para sa nakatakdang pagbubukas ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament na planong simulan sa Pebrero.

Nasa radar ng Fighting Maroons ang tatlong mahuhusay na players.

Tumulak pa sa Amerika ang ilang miyembro ng coaching staff at team management para ligawan ang ilang mahuhusay na players doon.

Kabilang sa mga tinututukan ng UP sina Henry Galinato, Ethan Galang at Jacob Bayla.

Inimbitahan ni Figh­ting Maroons basketball of o­perations head Bo Perasol ang tatlo sa isang workout sa California upang makita ang abilidad ng mga ito.

Naglaro si Galinato ng dalawang taon sa Benedictine University Mesa kung saan nagtala ito ng ave­rages na 13.0 points at 9.6 rebounds sa kanyang huling season kasama ang tropa.

Kung makukuha ang 6-foot-6 player, awtomatiko itong makalalaro suot ang Fighting Maroons jersey sa Season 84.

Binabantayan na rin ng Fighting Maroons si Bayla na kasalukuyang nag-aaral sa Valley Christian School.

Nag-aaral naman si Galang sa Life Pacific University.

Kaya’t kung magdesis­yon itong lumipat sa UP, kailangan nitong sumailalim sa isang taong residency bago makapaglaro sa Season 85.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with