^

PSN Palaro

Alapag handang bumalik ng Pilipinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Kung may offer na mag-coach sa PBA o Gilas

MANILA, Philippines — Handa si dating Talk ’N Text star player Jimmy Alapag na maging coach ng isang PBA team o ng Gilas Pilipinas sakaling kaila­nganin ang serbisyo nito sa mga susunod na panahon.

Kasalukuyang nasa Amerika si Alapag kung saan bahagi  ito ng c­oaching staff ng Sacramento Kings na nagkampeon sa NBA Summer League.

Magiging abala rin si Alapag dahil kasama ito sa coaching staff ng Stockton Kings sa NBA G League.

Ngunit kung mabibig­yan ng pagkakataon, handa si Alapag na bumalik sa Pilipinas para hawakan ang isang PBA team maging ang national team.

“Absolutely. I’m open to coming back. Manila is still home and so if ever there’s an opportunity to coach a PBA team or even Gilas, it’s something that I would definitely consider,” ani Alapag sa programang No Holds Barred.

Matatandaang lumipad pa-Amerika si Alapag noong nakaraang taon kasama ang kanyang pamilya.

At alam nito na tama ang kanyang naging desis­yon dahil nagbukas ang bagong oportunidad sa kanya partikular na ang pagkakataong maging bahagi ng coaching staff ng Sacramento Kings.

Sa kasalukuyan, kasama si Alapag sa pagha­handa ng Kings para sa nalalapit na pagbubukas ng NBA season.

vuukle comment

JIMMY ALAPAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with