^

PSN Palaro

Jaja salang agad sa ensayo sa Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ng pukpukang ensayo si national mainstay Jaja Santiago matapos makumpleto ang quarantine period nito sa Tokyo, Japan.

Dahil dito, binigyan na ng go signal si Santiago para makasama ang Saitama Ageo Medics sa training camp nito.

Bago pa man duma­ting si Santiago, nagsimula na ang matinding ensayo ng Ageo Medics para sa nalalapit na pagbubukas ng Japan V.League.

Masaya ang buong tropa ng Ageo Medics na mu­ling masilayan si Santiago na sariwa pa sa matagum­pay na kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Masaya ang mga ka­tropa nito sa Ageo Medics sa tagumpay ni Santiago sa PVL kung saan tinulu­ngan ang Chery Tiggo na masungkit ang Open Conference title.

Bukod sa kampeonato, nasungkit din ng 6-foot-5 Pinay spiker ang Confe­rence at Finals MVP titles.

Hangad ni Santiago na madala nito ang magandang momento sa Ageo Medics.

“Maganda ang e­xpe­rience ko sa PVL. Tala­gang na-boost yung confidence ko and sana madala ko yung momentum sa V.League,” ani Santiago.

Alam ni Santiago na hindi ganun kadali ang makuha ang kampeonato sa V.League.

Subalit handa itong magsakripisyo upang maabot ang inaasam na korona.

“Kailangang magtrabaho para makuha yung target namin. Train harder, yun ang kailangan ko para matulungan ang team,” ani Santiago.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with