^

Bansa

‘Fully vaxxed muna, bago F2F classes’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Fully vaxxed muna, bago F2F classes�
Children aged 12 to 17 receive their booster shot at Marikina Sports Complex on Monday, July 4, 2022.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nais ng isang grupo    ng mga magulang na tiya-king fully vaccinated muna laban sa COVID-19 ang mga mag-aaral bago tuluyang ipatupad ang full implementation ng face-to-face classes sa pasukan.

Kasunod ito ng anunsiyo ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na target ng Department of Education (DepEd) na maipatupad na ang full face-to-face classes sa  Nobyembre.

“Ito po kung as much as possible, 100 percent fully vaccinated ang mga bata. Kasi po etong nakaraang kwan eh 1 ½ months ng school year, eh pinagsabay po ‘yung non-vaccinated tsaka vaccinated na bata, pinapasok sa school,” ayon kay Lito Senieto ng National Parents-Teacher Association Federation.

“So as much as possible, by this November, meron na po tayong 100 percent fully vaccinated na teachers, as well as the administration, school administration school head, at saka mga estudyante,” aniya pa.

Dagdag pa ni Senie­to, ang lahat ng mga paaralan ay dapat ding may mga klinika na may nakatalagang nurses, na maaaring tumulong sa mga estudyante na may sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan kasi aniya, ang nangyayari ay mayroon lamang na isang silid na itinatalaga bilang klinika, ngunit wala namang nakabantay na nurse, lalo na sa mga public schools.

Kawawa rito ay ang mga taga-baryo dahil ang mga taga-bayan ay mayroon namang rural health unit.

“At the most, kung pwede po sana, if we target it, at 100 percent, merong nurse sana at clinic sa bawat school,” aniya pa.

Sinabi pa ni Senieto na dapat ding panatilihin ang temperature-checking at handwashing stations sa mga paaralan para sa proteksiyon ng mga mag-aaral.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with