^

Bansa

Ex-AFP comptroller guilty sa direct bribery, 4-8 taon kulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-AFP comptroller guilty sa direct bribery, 4-8 taon kulong
Sa 8-pahinang desisyon ng anti-graft court, pinahintulutan ang plea bargain ni Garcia at ibinaba ang kaso nito sa direct bribery. Si Garcia ay una nang isinakdal sa kasong plunder o pandarambong na may kaparusahang reclusion perpetua o 20-40 taong kalaboso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hinatulan kahapon ng Sandiganbayan ng 4-8 taong pagkakakulong si dating AFP Comptroller ret. Major Gen. Carlos Garcia matapos itong mapatunayang guilty sa kasong direct bribery at pagpapasilidad ng money laundering noong ito’y nasa puwesto.

Sa 8-pahinang desisyon ng anti-graft court, pinahintulutan ang plea bargain ni Garcia at ibinaba ang kaso nito sa direct bribery. Si Garcia ay una nang isinakdal sa kasong plunder o pandarambong na may kaparusahang reclusion perpetua o 20-40 taong kalaboso.

Bukod sa 4-8 taong kulong ay pinagmumulta si Garcia ng P406.3-M o tatlong beses na mataas sa kabuuang halaga ng mga natanggap nito sa plea bargaining agreement.

Sa kaso naman ng money laundering, nag-plea ng guilty si Garcia sa mas mababang pagkakasala at nasentensyahan ng 4-6 taon kulong at multang P1.5 milyon.

Una nang nakasuhan ng plunder at money laundering ang misis nitong si Clarita at mga anak na sina Ian Carl, Juan Paulo at Timothy Mark. Sinasabing ang mga akusado ay nagsabwatan sa pagtanggap ng komisyon, regalo at kickbacks at iba pang benepisyo tulad ng ‘shopping money o gratitude money’ sa mga kontrata ng pamahalaan na dumaraan sa tanggapan ni Garcia.

Bahagi ng plea bargain o kasunduan ay nag-alok si Garcia na ibabalik ang P135.4-M halaga ng cash, real at personal na mga ari-arian na pag-aari niya at ng kaniyang pamilya sa pamahalaan.

Kasalukuyang nakakulong si Garcia sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Matatandaan na ang kasong plunder ay nadiskubre at isinampa kay Garcia matapos makumpiskahan ng $100,000 ng mga hindi naideklarang cash ang mga anak nitong sina Juan Paolo at Ian Carl noong 2003 sa pagbiyahe ng mga ito sa Estados Unidos.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with