^

Bansa

P1.5 trillion Bayanihan 3 isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang suportahan ang Bayan Bangon Muli agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., naghain ng P1.5 trilyong Bayanihan 3 stimulus bill ang ilang mambabatas mula sa Bicol Region.

Pinangunahan ni 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay “ Villafuerte ang pagsusulong ng House Bill (HB) No. 271 o ang National Economic ­Stimulus and Recovery Act of 2022 para suportahan ang ‘comprehensive all-inclusive plan’ para sa ­pag­bangon ng ekonomiya na hangad ni PBBM.

Bukod kay Villafuerte, ini-akda rin ang HB No. 271 nina Camarines Sur Reps. Tsuyoshi Anthony Horibata at Miguel Luis Villafuerte gayundin si Bicol Saro partylist Rep. Nicolas Enciso VIII.

Sinabi ng mga mambabatas na maaring iimplementa na ni PBBM sa kalahatian ng termino nito ang nasabing panukalang batas na lilikha ng milyong mga trabaho kung saan makakarekober na ang Pilipinas sa krisis dulot ng COVID pandemic at giyera ng Russia at Ukraine.

Makakatulong din anila ang HB 271 upang maipagpatuloy pa ang infrastructure program na sinimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang BBM bill stimulus package ay magbibigay ng kapangyarihan kay PBBM na gamitin ang lahat ng resources sa pagtatapos ng 2022 at magpasa ng mga panukalang batas na kailangan para sa pandemya lalo na ang endemic stage ng COVID-19.

vuukle comment

BAYAN BANGON MULI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with