^

Bansa

Marcos wala pang itinatalagang PAGCOR chairman

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos wala pang itinatalagang PAGCOR chairman
Ginawa ng Malacañang ang paglilinaw kasunod ng mga espekulasyon na si George Erwin Garcia na ang napili ni Marcos para pamunuan ang Pagcor.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na wala lang pinangalanan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Ginawa ng Malacañang ang paglilinaw kasunod ng mga espekulasyon na si George Erwin Garcia na ang napili ni Marcos para pamunuan ang Pagcor.

Pinabulaanan ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles ang napaulat na appointment ni Garcia.

“I would like the public to be informed that there is no truth to the statements being made on social media that a certain George Erwin Garcia has been appointed Pagcor chairman. Walang ganoong appointment ang ginawa,” paglilinaw ni Cruz-Angeles.

Matatandaan na nagsilbi bilang commissioner ng Commission on Elections si Garcia sa ilalim ng administrasyon ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte.

Si Garcia ay hinirang na Comelec commissioner noong Marso.

Nagkaroon siya ng maikling panahon sa poll body matapos na hindi makalusot sa Commission on Appointments ang kanyang ad interim appointment noong Hunyo.

Samantala, nanumpa si Adelio Angelito Cruz bilang bagong Chief of Presidential Protocol sa Palasyo ng Malacañang noong Biyernes.

Ang oath-taking ceremony, sa pangunguna ni Marcos na ginanap sa Study Room ng Palasyo, batay sa maikling video clip na in-upload ng Radio Television Malacañang sa opisyal nitong Facebook page.

Bago ang kanyang bagong appointment, si Cruz ay nagsilbi bilang Consul General ng Pilipinas sa Los Angeles, California mula 2016 hanggang 2021.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with