^

Bansa

Opisina ni Robredo may ‘pinakamataas’ na COA rating sa ika-4 sunod na taon

Philstar.com
Opisina ni Robredo may �pinakamataas� na COA rating sa ika-4 sunod na taon
Litrato ni Bise Presidente Leni Robredo
Mula sa Facebook page ni Bise Presidente Leni Robredo

MANILA, Philippines — Sa ikaapat na sunod na taon, ang Office of the Vice President (OVP), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Leni Robredo, ay nakapagtala ng “unqualified opinion” na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2021 — bagay na tinitignang "pinakamakamataas."

Ibinahagi ni Robredo, na nasa huling araw ng kanyang termino bilang bise, ang balita sa Twitter:

“We were granted an unqualified opinion by the Commission on Audit for the 4th straight year (2018-2021)!!!” wika ni Robredo ngayong Miyerkules.

“What a fitting exclamation point to our 6 years at the OVP.”

Hindi marka o grado

Kamakailan lang, inilinaw ng COA na ang audit opinion ay hindi dapat tignan bilang isang marka o grado.

Nakakakuha ang isang ahensya ng gobyerno ng unqualified opinion mula sa COA kung makita ng komisyon na ang kanilang financial statements ay naaayon sa Generally Accepted Accounting Principles.

Sa panayam sa DZXL 558, sinabi ni Robredo kay Ely Saludar na nilayon talaga ng kanyang opisina na matamo ang unqualified opinion.

Sinabi Robredo “Inasikaso namin ang aming finances. Talagang nag aim kami na magkaroon ng unqualified opinion sa COA. Aim namin yon kasi… yung success ng programa, nakasandal sa kung may tiwala yung tao sa amin.” 

Noong nakaraang taon sinabi ng bise presidente na mahalaga ang ganitong mga pagkilala.

Ayon kay Robredo, “Mahalaga ang recognition na ito dahil patunay siya sa pagpapahalaga natin sa pagsasaayos ng ating mga sistema, lalo sa pagdating sa maayos na paggamit ng pera ng bayan.”

Si Davao City Mayor Sara Duterte ang manunungkulan bilang bise presidente simula bukas matapos nitong manalo sa eleksyon noong May 9. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with