^

Bansa

China handang tumulong sa Philippines sa kakulangan ng agri products

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda ang China na tulungan ang papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa inaasahang kakulangan sa produktong pang-agrikultura at pagtaas sa gastos ng produksiyon.

Inihayag ito ni Chinese Ambassador Huang Xilian matapos ipahayag ni Marcos na pansamantala niyang pamumunuan ang Department of Agriculture (DA) para tugunan ang “severe” food insecurity ng bansa.

“China is willing to do its best to help the new administration to effectively deal with the rising prices and shortage of agricultural production materials, and work together to face the uncertainties of the world,” ani Huang sa kanyang talumpati sa Manila Forum for Philippines-China relations.

Sinabi pa ng envoy na ang pag-uusap sa telepono ni Marcos at Chinese President Xi Jinping noong nakaraang buwan ay isang patunay sa “political determination” ng dalawang bansa upang patatagin ang mas matibay na ugnayan.

Ayon kay Huang, naisip ng dalawang lider na mas patatagin pa ang bilateral relations at kooperasyon ng dalawang bansa.

Handa rin aniya ang China na makipagtulungan sa Pilipinas para samantalahin ang mga bagong pagkakataon, at lumikha ng mas magandang kinabukasan.

Sumang-ayon naman si Deng Jun, presidente ng Chinese Enterprises Philippines Association na mapapabuti pa ang kanilang kooperasyon sa agrikultura sa pamamagitan ng pagdadala ng mga mamumuhunan at pagpapakilala ng mga teknolohiya sa agrikultura ng China sa Pilipinas.

vuukle comment

CHINA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with