^

Bansa

Duterte pinalawig ng 10 yrs. validity ang lisensiya ng baril

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinalawig ng 10 yrs. validity ang lisensiya ng baril
Sa Republic Act 11766 na nilagdaan ni Duterte, mula sa dalawang taon, ay maaari nang tumagal ng lima hanggang 10 na taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.
File photo

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagpapalawig sa validity ng lisensiya ng baril ng hanggang 10 taon.

Sa Republic Act 11766 na nilagdaan ni Duterte, mula sa dalawang taon, ay maaari nang tumagal ng lima hanggang 10 na taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.

“All licenses to possess a firearm, regardless of type or classification, shall be renewed every five (5) years or ten (10) years, at the option of the licensee,” nakasaad sa batas.

Nakabatay ang renewal ng lisensya sa birthdate ng isang licensee.

Kung mabibigo ang licensee na makapag-renew ng lisensya ng dalawang beses ay madi-diskuwalipika na ito sa pag-apply ng lisensya.

Exempted naman sa batas ang mga elected officials pati na ang mga active at retired military at law enforcement personnel.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong Mayo 6, 2022 at inilabas sa media kamakalawa.

Nakasaad sa batas na ang permit para sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan ay ipalalabas ng Chief ng Philippine National Police o ng kanyang kinatawan sa mga indibiduwal na mapapatuna­yang may banta o panganib sa kanilang buhay dahil sa kanilang propesyon.

Ang mga sumusunod na indibiduwal ang partikular na tinukoy sa bagong batas na maituturing na may “imminent danger” dahil sa kanilang propesyon o negosyo: mga abogado, certified public accountants, accredited media practitioners, cashiers, bank tellers, pari, ministers, rabbi, imams, physicians at nurses, engineers, mga negosyante na ang nature ng business ay maaring maging target ng mga kriminal, elected incumbent at da­ting opisyal at mga active at retired military at law enforcement personnel.

vuukle comment

GUN

LICENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with