^

Bansa

Mandatory military training sa mga 18-anyos Pinoy, target ng DND

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mandatory military training sa mga 18-anyos Pinoy, target ng DND
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabilang dito ang pagkakaroon ng reservists ng militar na handa at naisanay upang depensahan ang bansa.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Suportado ng Department of National Defense (DND) ang mandatory military training ng mga 18-an­yos na Filipino na magbibigay ng maraming benepisyo sa mga kabataan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabilang dito ang pagkakaroon ng reservists ng militar na handa at naisanay upang depensahan ang bansa.

Sa pamamagitan din ng training at disiplina, mas magiging mabuting mamamayan ang mga ito at maitatanim sa kanila ang pagseserbisyo sa bansa.

Gayunman, inamin ni Lorenzana na may ilang mararanasang hadlang sa implementasyon nito kabilang na ang resources.

Kakailanganin aniya ng training camps sa buong bansa, manpower, at pondo para ma-accommodate ang milyun-milyong Filipino na aabot sa 18 taong gulang.

Hindi rin inaalis ni Lorenzana ang posibilidad na may ilang tumutol na magserbisyo sa militar.

Bunsod nito, mas ma­buting alternatibo aniya ang implementasyon ng mandatory ROTC sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Sinisimulan na aniya ang implementasyon nito sa State Universities and Colleges (SUCs).

Target ng programa ang K11-K12 levels na magiging reservist.

Una rito, sinabi ni Davao City Mayor at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio na sakaling pala­ring magwagi sa May 2022 elections ay isusulong niya ang mandatory military service para sa lahat ng mga Pilipinong 18-anyos.— Joy Cantos

vuukle comment

DND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with