^

Bansa

Expanded F2F nakasalalay sa resulta ng pilot run

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Expanded F2F nakasalalay sa resulta ng pilot run
Kabilang ang Pedro Cruz Elementary School sa San Juan City ang nakasali sa limitadong face-to-face classes na umarangkada na rin sa Metro Manila kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakasalalay sa magiging rekomendasyon ng Department of Education (DepEd)  sa Office of the President bago matapos ang Disyembre kung palalawigin pa ang face-to-face classes sa susunod na taon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Under Secretary Nepomuceno Malaluan na Disyembre 20 ang Christmas break ng mga paaralan at malalaman nila ang naging pagtaya ng mga participating schools sa ginawang limi­ted face-to-face classes.

Dito umano ay ibabatay ng DepEd ang magi­ging rekomendasyon sa Malakanyang para naman sa expanded phase ng F2F classes sa susunod na taon.

Kapag naging maganda umano ang kabuuang sitwasyon ng limited face-to-face ngayong taon, inaasahang marami pang mga eskwelahan sa buong bansa ang makasasali sa expanded F2F classes sa 2022.

Dahil dito kaya inatasan na umano ni DepEd Secretary Leonor Briones ang lahat ng regional directors na abisuhan na ang lahat ng mga paaralan pampubliko man o pribado para makapaghanda na sa expanded F2F, gamit ang safety assessment tool na kanilang ibinigay.

Umaasa na lamang si Malaluan na hindi magbabago ang magandang trend sa mga eskwela­hang kasali sa limited face-to-face classes ngayon para dumami pa ang makasali sa susunod na taon sa mga lugar na nasa alert level 1 and 2.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with