^

Bansa

‘Wag mag-panic sa Omicron - WHO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Wag mag-panic sa Omicron - WHO
Sa Reuters Next conference, sinabi ni Soumya Swaminathan, scientist ng WHO, na hindi dapat agad mag-panic ang publiko dahil masyadong maaga pa upang masabi na ang bakuna ay dapat pang i-modified para makalaban sa virus.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng World Health Organization (WHO) ang publiko na huwag mag-panic sa pagsibol ng Omicron variant ng COVID-19.

Sa Reuters Next conference, sinabi ni Soumya Swaminathan, scientist ng WHO, na hindi dapat agad mag-panic ang publiko dahil masyadong maaga pa upang masabi na ang bakuna ay dapat pang i-modified  para makalaban sa virus.

“We need to be prepared and cautious, not panic, because we’re in a different situation to a year ago,” pahayag ni Swaminathan.

Batay sa ulat ni Swa­minathan, ang bilang ng kaso ng Omicron ay doble kada araw sa South Africa, ang bansang sinasabing pinagmulan ng naturang virus.

Sa ngayon maraming bansa na ang naghigpit ng travel rules dahil sa banta ng Omicron.

Ayon sa WHO, mainam na mas marami ang bilang ng mga nababakunahan kontra COVID para malabanan ang virus.

Ang kasalukuyang bakuna umano ay dapat magbigay ng matinding proteksyon sa mga tao kahit na may mutations ng virus.

Bukod sa South Africa, napaulat na rin ang virus sa Australia, Nebraska, Zimbabwe at Canada.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with