^

Bansa

Satisfaction rating ni Duterte, bumaba sa 62% - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Satisfaction rating ni Duterte, bumaba sa 62% - SWS
Noong November 2020, nakakuha si Pangulong Duterte ng +79 satisfaction rating , +65 satisfaction rating noong May 2021 at +62 percent nitong June 2021.
Released / PCOO Facebook page

MANILA, Philippines — Bumaba sa +62 percent ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling taon ng panunungkulan sa bansa ngayong panahon ng pandemic.

Ito ay batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpalabas ng tatlong bracket ng survey na nagpapakita ng pagbaba ng sa­tisfaction rating ni Pa­ngulong Duterte noong November 2020, May 2021 at nitong nagdaang June 2021.

Noong November 2020, nakakuha si Pangulong Duterte ng +79 satisfaction rating , +65 satisfaction rating noong May 2021 at +62 percent nitong June 2021.

Sa nakopo na +79 satisfaction rate noong November 2020, 51 percent ng mga tao ang nagsabi na sila ay “very satisfied” kay Pangulong Duterte, 33% ang hindi gaanong satisfied, 9% “undecided,” 4% di gaanong dissatisfied,” at 2% “very dissatisfied.”

Bumaba pa ito noong May 2021 na nakakuha si Duterte ng +65 na may 34% na lamang ang nagsabing sila ay “very satisfied”, 41% “somewhat satisfied, very dissatisfied - 4%, 6% “somewhat dissatisfied,” at 15% ang undecided.

Lalo pang bumaba ang mga bilib kay Duterte nang bumaba sa +62 ang satisfaction rating nitong June 2021. Nanatili naman sa 34% ang nagsabing sila ay very satisfied, 41% “somewhat satisfied,” 4% very dissatisfied; at 12% undecided.

Sa survey nitong June 2021 ay nagpapakita ng pagbaba sa 2 percent ang kuntento kay Duterte mula sa +64 noong  September 2016, ilan buwan nang magsimula sa kanyang posisyon bilang Pa­ngulo ng bansa.

Noong November 2020 si Duterte ay nakakuha ng highest net satisfaction rate na +79  noong panahon na malaki ang paniwala ng mamamayan na agad maglalaho ang Covid-19 pandemic.

Sinasabing ang nagpababa ng satisfaction rating ni Digong sa ngayon ay ang pagka­bigo umano nito na resolbahin ang pagkalat ng COVID sa bansa.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with