^

Bansa

Magpopositibo sa antigen test isasama sa bilang ng COVID-19 cases

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Magpopositibo sa antigen test isasama sa bilang ng COVID-19 cases
Nauna rito, ipinag-utos ng IATF na i-monitor ang alokasyon at paggamit ng mga antigen kits upang matiyak na tama ang reporting ng kaso ng COVID-19.
STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Balak ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na isama na sa bilang ng mga kaso ng COViD-19 ang mga magpopositibo gamit ang rapid antigen test.

Pero agad ding nilinaw ni Presidential spokesman Harry Roque na dadaan pa rin sa confirmatory test ang mga lalabas na positibo sa rapid antigen test.

Nauna rito, ipinag-utos ng IATF na i-monitor ang alokasyon at paggamit ng mga antigen kits upang matiyak na tama ang reporting ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Roque, ibinaba ang kautusan sa mga regional IATF at mga task forces.

Inatasan din ang Department of Health-National Capital Region for Health Development na pangunahan ang registration ng mga gumagamit ng mga rapid antigen kits.

Dapat aniyang tiyakin na ang mga antigen line test ay makakasama sa monitoring ng mga local government units.

“Kailangan tiyakin ng DOH-NCR CHD na ang antigen line test ay maka-consolidate ng health facilities, temporary treatment and monitoring facilities at sariling LGUs,”ani Roque.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with