^

Bansa

Pagsasara ng higit 500 PETCs, inalmahan ng Environmental group

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagsasara ng higit 500 PETCs, inalmahan ng Environmental group
Ayon kay Jun Evangelista, national president ng Ani Kalikasan, hindi makatwiran at walang legal na basehan ang ginawang pag­sasara ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon sa naturang mga PETCs upang umano’y mawalan ng kakumpetensiya ang pinapaborang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inalmahan ng isang environmental group na Ani Kalikasan ang ginawang pagsasara ng Department of Transportation sa operasyon ng mahigit 500 private Emission Testing Centers sa bansa.

Ayon kay Jun Evangelista, national president ng Ani Kalikasan, hindi makatwiran at walang legal na basehan ang ginawang pag­sasara ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon sa naturang mga PETCs upang umano’y mawalan ng kakumpetensiya ang pinapaborang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).

Ang alegasyong ito ay naisampa na ng grupo sa Presidential Complaint Center sa Malacañang.

Sinabi ni Evangelista na ginagamit umano ni Tuazon ang Department Order no. 2016- 020 sa ginawang pagsasara sa PETCs. Ang naturang kautusan ay nagpapatupad ng moratorium sa pagtanggap ng mga bagong PETC dahil sa anya’y madami na ang emission centers.

Gayunman, sinabi ni Evangelista na ginawa ni Tuazon na hindi tumanggap ng bagong PETC application for Authorization pero nag- accredit naman ito ng mga bagong PMVICs na nagsasagawa rin ng emission testing sa mga iparerehistrong sasakyan.

Hamon ni Evangelista kay Tuazon na tulungan na lamang ang mga kasalukuyang nag-o-operate na PETCs na mapahusay pa ang sistema ng pagseserbisyo sa mga motorista at hindi ang pag-aasikaso sa pagpapadami ng mga pinapaborang PMVICs sa bansa.

vuukle comment

PETCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with