^

Bansa

Voting hours paaabutin ng 9pm

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ng hanggang alas-9 ng gabi ang voting hours sa darating na halalan dahil sa umiiral pa rin na pandemya.

Mula sa kasalukuyang pagbubukas ng voting precincts dakong alas-6 ng umaga at pagsasara ng alas-6 ng gabi, maaaring i-extend ito ng tatlong oras pa upang maiwasan ang sabayang pagboto ng tao.

Sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na isa ito sa pinag-aaralan lalo na kung makikita sa mismong araw ng eleksyon na magkakasabay-sabay sa pagtungo ng voting precincts ang mga tao at maaaring desisyunan agad-agad ng en banc.

Maaari ring magpatupad ng mas mahabang ekstensyon sa mga lugar na ikinukunsidera na ‘COVID-19 hotspots’.

Para naman sa suhestiyon na gawing dalawa hanggang tatlong araw ang eleksyon, sinabi ni Abbas na kailangang amiyendahan ng Kongreso ang batas dahil sa nasa Konstitusyon na kailangang sa isang araw lang ito ganapin.

Bibigyan naman ng sariling presinto ang mga senior citizens at mga person with disabilities upang maihiwalay sila sa mas maraming tao at maging ligtas.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with