^

Bansa

10K vials ng Tocilizumab parating - Duque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang darating na sa katapusan ng Set­yembre ang nasa 10,000 vials ng Tocilizumab na gamot para sa mga pasyente ng COVID-19.

“By September, sana bago magtapos, ‘yung isang drug company ay makakapag-angkat ng 10,000 vials. Let’s cross our fingers na sana ito ay matuloy na,” ani Health Sec. Francisco Duque sa panayam ng  Dobol B TV.

Tiniyak ng kalihim na patuloy naman ang ahensiya sa paghahanap ng makukunan ng suplay ng tocilizumab habang ang gobyerno naman ay nakikipag-ugnayan na sa ambassador ng Switzerland kung saan nakabase ang Roche, na gumagawa ng nasabing gamot.

Ipinaliwanag ni Duque na habang may kakula­ngan sa suplay ng tocilizumab, may iba pa namang gamot na maaring gamitin kapalit nito para sa COVID-19 patients, gaya ng baricitinib na ang epekto ay halos kapareho ang bisa.

Sa  kabila nito, tiniyak na rin ni Duque na may sapat pang suplay ng remdisivir hanggang Disyembre.

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi pa magkakakroon ng stocks ng tocilizumab dahil sa nararanasang shortage sa pandaigdigang suplay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with