^

Pang Movies

Amy nabiktima ng online scam nang nagpa-picture lang sa airport!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Amy nabiktima ng online scam nang nagpa-picture lang sa airport!

Naglabas ng babala si Amy Perez-Castillo sa kanyang Instagram na wala siyang kinalaman sa may negosyo na Paysbook. Nagulat kasi ang TV host-actress nang makitang kalat sa Facebook ang picture niyang kasama ang isang lalaki.

 

“Nililinaw ko po na WALA akong koneksyon sa nasabing grupo sila po ay nagpa picture sa akin nung makasabay ko sila sa airport at ngayon ay ginagamit na nila ito upan makahikayat ng members katulad ng sinasabi nila sa mga caption nila,” caption ni Amy sa screen shot ng post na nagsasabing sumali na siya sa Paysbook.

Agad naman niyang inalerto ang DTI Philippines pati na ang NBI at si General Eleazar ng kapulisan. Nagpatulong din siya kay Sen. Joel Villanueva na naglabas ng emoji sa comment thread.

Sa reply, sinabi ni Amy na nagpapaliwanag daw ang grupo na hindi raw ang lumabas na caption ng totoong caption.

Naku, hindi si Amy ang celebrity na biktima ng ganyang modus, huh!

Launching ng wax figure ni Pia sa Manila muna!

Gaganapin sa Manila ang launching ng wax figure ni Pia Wurtzbach bago ito dadalhin sa Madame Tussauds sa Hong Kong nang permanente.

Inilabas ang balita ni Michelle del Rosario ng Storyscope Strategic Communications at ibinahagi ng GMA Network sa Twitter account nito.

Nagpunta sa HK ang dating Miss Universe kaugnay ng wax figure niya.

Nakita niya sa Madame Tussauds ang wax figure ng maraming sikat na foreign celebrities sa iba’t ibang field.

Ngayon, ka-level na ni Pia ang mga international celebs sa pagkakaroon ng wax figure, huh!

vuukle comment

AMY PEREZ-CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with