Sayang

Parang nadidinig ko ang kantang pinasikat ni Eva Eugenio ‘nung 1970s.

Sayang talaga na dehins makakalaro si Rhenz Abando sa Gilas sa parating na laban kontra Syria and Iran sa Malaysia.

Window 5 ito ng FIBA World Cup Qualifiers kung saan buhay pa ang pag-asa natin. Syria sa Biyernes, Iran sa Linggo.

Masaya ang Gilas fans ‘nung sinama ni coach Tim Cone si Abando sa all-star lineup.

Kilala natin si Abando. Showtime sa loob ng court.

Kaya maraming nagtatanong bakit dehins siya nakasama sa mga recent Gilas games. Eto na sana ang chance.

Pero dehins tumagal ang excitement dahil bigla naman na-injure si Abando sa Korean Basketball League – ankle injury.

Dahil dito, out si Abando at pinalitan ni Troy Rosario.

Solid ang lineup at kahit wala pa rin si Justin Brownlee, swak na si Bennie Boatwright, ang bago nating naturalized player.

Kasama sa lineup sila Kai Sotto, Dwight Ramos, AJ Edu, Scottie Thompson, CJ Perez, Chris Newsome, Juan Gomez de Liaño, Kevin Quiambao, Quentin Millora-Brown at Mike Phillips.

Sayang talaga ang presence ni Abando.

Di bale, may next time pa.

Show comments