^

PSN Palaro

Sotto kailangan na mag-training

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kailangan na ni Kai Sotto na sumalang sa trai­ning kasama ang Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA World Cup na aarangkada sa Agosto 25.

Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes matapos masilayan ng dalawang beses si Sotto sa training venue ngunit hindi ito nagsanay.

Idinahilan ng kampo ni Sotto ang pangangaila­ngan nitong magpahinga dahil sa lower back injury na tinamo nito sa kanyang stint sa NBA Summer League.

Kaya naman wala rin magawa ang Gilas c­oaching staff kundi ang maghintay.

Iginiit ni Reyes na kai­la­ngan na ni Sotto na ma­kasama sa training camp upang makundisyon na ito para sa matinding laban na kanilang haharapin.

Nais sana ni Reyes na magamit ng husto si Sotto sa pocket tournament ng Gilas sa Guangdong, China para mahasa pa ito ng husto.

Subalit kung hindi ito mag-eensayo, posibleng hindi ito mabigyan ng pla­ying time ni Reyes.

Ikinumpara pa ni Reyes si Sotto kay NBA star Jordan Clarkson.

Malalim na ang karanasan ni Clarkson na sanay na sa matitinding laban sa NBA kumpara kay Sotto na hindi naman NBA player gaya ng Utah Jazz star.

“Kailangan na niya mag-training. Kung gusto niya na maging big part ng team, kailangan na niya mag-training as soon as possible,” ani Reyes.

Target ni Reyes na maayos muna ang team nito bago tutukan ang mga teams na kanilang makakalaban.

May ibang tumututok sa scouting ng bawat teams na makakalaban ng Gilas Pilipinas partikular na sa unang asignatura nito laban sa Dominican Republic sa opening day.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Clarkson sa Agosto 6 para makasama ang Gilas Pilipinas sa trai­ning camp nito.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with