Heat tatapusin na ang Celtics

Jimmy Butler at Jayson Tatum

MIAMI — Hindi nawawala ang kumpiyansa ni Heat star Jimmy Butler na sila pa rin ang papasok sa NBA Finals bagama’t nakadikit ang Boston Celtics sa 2-3 sa kanilang Eastern Conference finals series.

Ayon kay Butler, mada­ling maitatama ng Miami team ang pagkakamaling nagawa sa Games Four at Five na sinamantala ng Boston.

“We stopped playing defense halfway because we didn’t make shots that we want to make. But that’s easily correctable. You just have to come out and play harder from the jump,” ani Butler.

Tiniyak ng Heat leading scorer na sila pa rin ang sasagupa sa Denver Nuggets sa NBA Finals at hindi ang Celtics.

“Like I always say, it’s going to be all smiles and we are going to keep it very, very, very consistent, kno­wing that we are going to win next game,” ani Butler.

Wala pang koponan sa NBA history na nakaba­ngon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang isang serye.

Sa 150 teams na naka­balik mula sa 0-3 butas at naitabla ang best-of-seven series ay 14 lamang ang nakatabla, ngunit hindi nila naipanalo ang serye.

“It’s about collectively preparing and putting together a great game. We’ll play much better on Sa­turday. That’s all we just have to focus on right now,” sabi ni Miami Fil-American coach Erik Spoelstra.

Kung makakatabla ang Boston ay gagawin ang Game Seven sa kanilang balwarte sa TD Garden.

Show comments