BEST Center’s June clinics kasado na

MANILA, Philippines — Dalawang venue sa Quezon City ang pagdarausan ng award-winning na BEST Center ng ka­nilang basketball at volleyball clinics.

Sa Ateneo College covered courts sa Katipunan tatanggapin ang mga estudyante tuwing Sabado para sa Basketball Efficiency and Scientific Trai­ning Center sa preparatory level at sa mga levels 1 hanggang 4.

Ang clinics ay tuwing Sabado mula Hunyo 3 hanggang Hulyo 15 sa alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at ala-1 ng hapon hanggang alas-4:30.

Isasabay sa basketball program ang volleyball clinics para sa mastery le­vel at mga levels 1 hanggang 4.

Tuwing Linggo ng umaga hanggang hapon mula Hunyo hanggang Hulyo 16 gagawin ang preparatory level at levels 1 hanggang 2 sa 3rd Fitness Lab sa 123 Scout Lazcano St.

Ang Best Center, binigyan ng Olympism Award ng Philippine Olympic Committee at isang Hall of Fame awardee sa Philippine Sportswriters Association, ay maaaring tawagan sa 3411-626 at 9371-9724 o mag-e-mail sa bestcenter.inquiry@gmail.com at sa kanilang social media account sa Facebook.

Show comments