Share the ball!

Buwaya kasi kaya nasabihan na “share the ball.”

‘Yan ang sitwasyon ni Converge import or dating Converge import na si Jamaal Franklin.

Sa game kasi kontra Meralco last week, kumana si Franklin ng 57 points pero natalo pa rin ang Converge in overtime.

 Sa kabuuan, 37 attempts ang binitawan ng import. Gusto yata gumawa ng 100 points kaya tira ng tira.

Dahil dito, sinabihan siya after the game to “share the ball.”

Nag-inarte naman at sa sunod na game kontra Ginebra, ayaw naman tumira. Pumasa lang ng pumasa.

In all, five attempts lang siya at natapos with four points. Natural, olats ang Converge at sumadsad sa 6-5 record.

So, from 37 attempts vs Meralco, five attempts vs Ginebra. Eh may problema nga. Natawa na lang si coach Aldin Ayo.

Ang huling balita, pinakawalan na ng Converge si Franklin kahit buhay pa ang kontrata nito.

Kesa nga naman lumala pa ang sitwasyon at lalong ikatalo ng team sa quarterfinals.

May karatula sa Converge office.

Wanted: Import who will share the ball.

Show comments