^

PSN Palaro

2-0 target ng Creamline, Choco Mucho

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
2-0 target ng Creamline, Choco Mucho
Michele Gumabao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Puntirya ng defending champion Creamline at Choco Mucho na masiguro ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa magkahiwalay na kari­bal sa Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Lalarga ang Cool Sma­shers kontra sa Cignal sa alas-4 ng hapon habang aariba naman ang Flying Titans laban sa Reinforced Conference champion Petro Gazz sa alas-6:30 ng gabi.

Hindi naramdaman ang pagkawala ni top hitter Alyssa Valdez sa Cool Smashers matapos mabilis na dispatsahin ang Gazz Angels, 25-18, 25-20, 25-22, sa kanilang unang laro noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Balik sa starting lineup si opposite hitter Michele Gumabao na agad na nagpasabog ng 13 puntos kontra sa Gazz Angels.

Hataw din si middle blocker Ced Domingo na may sariling 13 hits gayundin si two-time MVP Tots Carlos na may 11 markers at Pangs Panaga na nagdagdag ng 10 points.

Nariyan pa si Jema Galanza na nagbigay ng solidong kontribusyon habang matinik pa rin si playmaker Jia Morado na siyang nagmamando sa plays ng Cool Smashers.

Nais naman ng HD Spikers na makabawi ma­tapos yumuko sa kanilang unang asignatura kontra sa Chery Tiggo noong Martes.

Aasahan ng Cignal sina Ces Molina, Riri Meneses, Rachel Anne Daquis, Chin Basas, Roselyn Doria at setter Gel Cayuna.

Sa kabilang banda, hangad ng Flying Titans na dugtungan ang kanilang panalo sa Akari Chargers, 25-15, 25-20, 25-20, sa opening day.

Babanderahan nina Bea De Leon, Maddie Madayag, Kat Tolentino, Des Cheng at Deanna Wong ang Choco Mucho.

vuukle comment

CHOCO MUCHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with