^

PSN Palaro

F2 umeskapo sa PLDT

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
F2 umeskapo sa PLDT
Inabangan ni Dell Palomata ng PLDT ang kill ni Myla Pablo ng F2 Logistics.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinailangan ng F2 Logistics na kumayod ng husto bago itakas ang pukpukang 25-22, 25-21, 14-25, 20-25, 16-14 pahirapang panalo laban sa PLDT Home Fibr kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maganda ang simula ni outside hitter Myla Pablo sa kanyang bagong team matapos kumana ng 21 puntos, siyam na digs at walong excellent sets para pamunuan ang Cargo Mo­­vers na makuha ang buwena­manong panalo.

Ramdam din ang presensiya ni opposite spiker Kim Kianna Dy na kumana naman ng 17 puntos kabilang ang game-winning backrow attack.

Nakakuha pa ang Cargo Movers ng 11 puntos mula kay team captain Aby Maraño kasama ang tatlong blocks habang nagdagdag si middle blocker Ivy Lacsina ng siyam na puntos.

Magandang panalo rin ito para sa nagbabalik-aksyong si Cha Cruz-Behag na apat na taong hindi nasilayan sa aksyon dahil sa panganganak.

Nag-ambag ito ng tatlong puntos.

Gaya ng nakagawian, solido si libero Dawn Macandili sa floor defense kung saan nakalikom ito ng impresibong 35 digs kasama ang 10 receptions.

“It feels like championship. It’s a good game, in this game we actually at least we saw what we need to train more kung saan kami nag lack para sa next game makapag-adjust kami kaagad,” ani Cargo Movers head coach Regine Diego.

Nakuha ng Cargo Mo­vers ang panalo sa kabila ng 36 errors na nagawa nito sa larong tumagal ng dalawang oras at 30 minuto.

Nakapagrehistro si wing spiker Jovie Prado ng 17 puntos samantalang may 16 markers naman si middle blocker Dell Palomata at 16 hits si Mika Reyes para sa PLDT Home Fibr.

Ngunit hindi ito sapat para makuha ng High Speed Hitters ang panalo at mahulog sa 0-1 baraha.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with