Alinsunurin out na bilang head coach ng national team

MANILA, Philippines — Hindi na si veteran mentor Dante Alinsunurin ang head coach ng men’s national volleyball team na sasabak sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ito ang kinumpirma ni Alinsunurin matapos ma­kausap ang team manager ng national team.

Nangyari ito nang tanggapin ni Alinsunurin ang tungkulin bilang head coach ng Choco Mucho sa PVL na magsisimula sa Pebrero 4.

“As of now bale nakausap ko yung team manager namin, binaba na nila ako dahil sa sitwasyon. Kaya ngayon, ang hinahawakan ko na lang is yung NU men’s and Choco Mucho,” ani Alinsunurin.

Idinahilan ng team manager ng national team kung kakayanin ni Alinsunurin ang tungkulin nila sa national team at Choco Mucho.

Si Alinsunurin din ang head coach ng National University men’s volleyball team.

“Parang ang nangyari is syempre nagsabi ako sa kanila na maghahandle na ako ng women’s then yun nga tinanong nila ako kung kakayanin ko daw,” ani Alinsunurin.

Dahil dito, nagpasya ang team manager ng national team na ibaba ito sa coaching staff.

Show comments