Uratex itataguyod ang women’s 3x3 sa Pinas
MANILA, Philippines — Naniniwala ang mga organizers ng 1st Uratex Women’s International 3x3 basketball championship sa potensyal ng mga Pinay sa torneong nakatakda sa Pebrero 4-5 sa Robinsons Magnolia sa Quezon City ay simula pa lamang ng kanilang mga idaraos na women’s basketball event.
Ang pagmamahal sa sport ang isa sa mga dahilan ni Uratex Managing Director at head ng organizing committee Peachy Medina sa pagbuo sa torneo bukod sa pagtulong sa mga Filipina basketball players na maabot ang kanilang potensyal.
“So sabi ko why not bring the action in the Philippines para naman makita ang kakayahan natin and the same time mas matuto tayo,” ani Medina.
Nakasama ni Medina sa press conference sa Summit Hotel sa San Juan City sina SMART Sports Director Jude Torcuato at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) secretary general Sonny Barrios.
Maglalaro sina Philippine team members Janine Pontejos, Trina Guytingco at Khate Castillo para sa Lady Macbeth Riots sa torneong inihahandog ng Uratex at SMART katuwang ang SBP.
Ang iba pang local teams ay ang Uratex Dream Philippines, Uratex Tibay Philippines, Discovery Perlas, Angelis Resort at Army Altama.
Makakatapat nila ang mga Japanese elite squads na Owls.Exe Kujukuri at Zoos Tokyo, mga Koreans teams na 1Eyehansol at G2L2 kasama ang Jumpshot Singapore at Shoot It Dragon ng Thailand.
- Latest