Cruz-Behag hahataw sa F2

MANILA, Philippines — Hahataw si dating UAAP Finals MVP Cha Cruz-Behag kasama ang F2 Logistics sa PVL All-Fi­lipino Conference na pa­palo sa Pebrero 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Marami ang nasabik sa pagbabalik-aksyon ng tinaguriang Miss Everything ng Philippine volleyball.

Pormal nang isiniwalat ng Cargo Movers ang pagbabalik ni Cruz-Behag sa kanilang social media accounts.

“An athlete who is wor­king hard to regain her MVP Form. A disciplined fighter and a veteran lea­der,” ayon sa post ng Cargo Movers.

Masayang binuksan ng Cargo Movers ang pintuan nito kay Cruz-Behag na bahagi ng kanilang tropa na nagkampeon sa mga nakalipas na taon.

Nagpasya si Cruz-Behag na pansamantalang tumigil sa paglalaro upang bigyang-daan ang kanyang pagbubuntis.

Makakasama ni Cruz-Behag sina Aby Maraño, Ivy Lacsina, Ara Galang, Kim Fajardo, Majoy Ba­ron, Kim Kianna Dy at ang bagong recruit na si Myla Pablo.

Show comments