Dela Rosa suportado ang mga atleta at ang AFAD
MANILA, Philippines — Pinahalagahan ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang pagkakaroon ng mga national athletes ng makabagong sandata para sa paglahok sa malalaking international shooting tournaments.
Sinabi ito ni Dela Rosa sa pagbisita niya sa 28th Defense and Sporting Arms Show ng Association of Firearms and Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) sa Mandaluyong City.
“Please pray for our athletes as they will bring home the bacon using the best and modernized weapons,” wika ng Senador na dating Philppne National Police (PNP) chief.
Sinabi rin ni Dela Rosa na mahalagang ipagpatuloy ang pagbibigay ng edukasyon sa responsableng paghawak at pagmamay-ari ng baril.
Kaya naman pinasalamatan niya ang AFAD sa pag-ooraganisa ng nasabing arms show.
“As chairman of the Senate Committee on Peace and Order, I supported whatever their plans and program para sa kapakanan ng industriya,” ani Dela Rosa.
Umaabot ng halos 40 booths ng mga world-class Filipino made at imported guns, ammunitions at paraphernalia ang naka-display sa show kasabay ng education seminars ng AFAD- PNP para sa responsible gun-ownership, licensing at renewal.
Sa dumaraming bilang ng mga gun-owners ay inamyendahan ang Republic Act. No.11766 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act 203) na pahahabaan ng hanggang 10 taon ang validity ng lisensiya mula sa dating dalawang taon.
Nagpasalamat si AFAD president Hagen Topacio, dating silver medalist noong 2021 sa Southeast Asian Games clay shooting, sa suporta ng Senador sa AFAD program kung saan ang gunshow ay tatagal hanggang Lunes.
- Latest