^

PSN Palaro

St. Benilde iniskoran ang Mapua

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
St. Benilde iniskoran ang Mapua
Naghanap ng butas si James Pasturan ng St. Benilde Blazers para makalusot kay Jeric Pido ng Mapua Cardinals.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng College of Saint Benilde ang Mapua University sa pamamagitan ng 73-64 desisyon upang masolo ang liderato sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina Miguel Cortez at Miguel Oc­zon para buhatin ang Blazers sa ikaanim na panalo sa pitong laro upang upuan ang No. 1 spot sa torneo at maiwan sa ikalawa ang walang larong Lyceum Pirates na may 5-1 kartada.

Humataw si Cortez ng 17 points at naglista si Oczon ng 14 markers, 8 rebounds at 2 steals.

Sa kabila ng panalo ay hindi naging masaya si St. Benilde head coach Charles Tiu.

“I’m very disappointed. They don’t respect the game, they don’t play the right way, hindi kami maka-pull away,” wika ni Tiu sa kanyang mga Blazers.

Nagsalpak ng dalawang sunod na tres sina Oczon at JC Cullar para sa 65-53 bentahe ng St. Benilde sa huling apat na minuto ng laro.

Huling nakalapit ang Mapua sa 62-69 agwat.

Wala pa ring panalo ang Cardinals sa walong laro para manatili sa ilalim ng team standings.

Tumipa si Adrian Nocum ng 15 points at humakot si Warren Bonifacio ng 14 points at 11 boards.

Sa ikalawang laro, pinu­lutan ng nagdedepensang Le­tran Knights ang San Se­bastian Stags, 77-69.

Ito ang ikaapat na panalo ng Knights sa pitong laro, habang nalasap ng Stags ang pang-apat na kabiguan sa anim na asignatura.

SAINT BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with