^

PSN Palaro

POC may huhugutan ng cash incentives ng mga atleta

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
POC may huhugutan ng cash incentives ng mga atleta
Abraham Tolentino.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tumanggap ang Phi­lippine Olympic Committee (POC) ng P3.3 milyon mula sa “unspent funds” ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) nang pamahalaan ang 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, ito ang kanilang gagamitin bilang cash incentives ng mga national athletes na mananalo ng medalya mula sa mga international events kagaya ng SEA Games, Asian Games at Olympics.

“We’re very thankful to the PHISGOC for donating the saved money that we can use for our athletes in the future,” wika ni Tolen­tino, ang Tagaytay City Mayor.

Nagmula ang “unspent funds” mula sa bigay ng mga private sponsors para sa hosting ng 2019 SEA Games.

Kinumpirma ni PHISGOC Chief Operating Officer (COO) Ramon ‘Tats’ Suzara ang turnover ng nasabing pondo sa POC at alam na ito ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagkaroon ang PHISGOC ng pondong P6 bil­yon para sa pamamahala ng 2019 SEA Games kung saan hinirang ang bansa bilang overall champion.

Sa financial report ng PHISGOC ay nalaman na mayroong pondong hindi nagamit bilang bayad sa mga suppliers ng mga National Sports Associations (NSAs).

Sasabak ang Team Philippines sa 2023 SEA Games sa Cambodia sa Mayo kasunod ang Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

POC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with