^

PSN Palaro

Braves nakatutok sa ika-2 leg crown

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpara sa ibang koponan, parehong line-up ang ipaparada ng Cavitex sa Leg 3 ng PBA 3x3 Season 2 First Conference ngayon sa Robinson’s Las Pinas.

Sina Jorey Napoles, Bong Galanza, Dominick Fajardo at Tzaddy Rangel ang muling babandera sa Braves na hangad ang ikalawang sunod na leg crown matapos maghari sa Leg 2.

Binasag ng Cavitex ang San Miguel sa finals ng Leg 2 para sa una nilang leg title.

Kasama ng Braves sa Pool A ang Pioneer Elasto­seal Katibays at Terrafirma Dyip.

Ang Terrafirma ang unang makakalaban ng Braves sa itinakdang 12-game schedule sa pool play.

Nasa Pool B naman ang Beermen, Blackwater Red President at Ginebra Gin Kings, habang nasa Pool C ang Leg 1 winner na TNT Tropang Giga, Platinum Karaoke at NorthPort Batang Pier.

Ang Meralco Bolts, J&T Express at Purefoods Titans ang bumubuo sa Pool D.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with