^

PSN Palaro

Letran sumosyo sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran sumosyo sa liderato
Napilitang ipasa ni Louie Sangalang ng Letran ang bola nang madepensahan ni Jopet Soriano ng Mapua.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naitakas ng defending champion Colegio de San Juan de Letran ang 67-62 desisyon laban sa Mapua University upang sumalo sa liderato ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball sa The Arena kahapon sa San Juan City.

Ang panalo ang nagdala sa Letran sa 3-1  baraha upang samahan sa tuktok ng standings ang Lyceum of the Philippines University at College of Saint Benilde.

Mainit si Fran Yu na umiskor ng 15 puntos, limang assists, apat na rebounds at tatlong steals para pamunuan ang Knights sa panalo.

Nagdagdag naman si Pailo Javillonar ng 14 markers, tatlong rebounds at isang steal habang gumawa si King Caralipio ng walong puntos, 11 boards, at isang assist.

Nagsumite naman sina Kurt Reyson at Kobe Monje ng pinagsamang 15 puntos para sa Knights.

Naipanalo ng Letran ang laro sa kabila ng 22 turnovers nito.

Bagsak ang Cardinals sa 1-4 rekord.

Samantala, magpapa­tuloy ang aksyon ngayong araw kung saan target ng Lyceum of the Philippines University at College of Saint Benilde na mapatatag ang kapit sa liderato sa pagharap sa magkaibang karibal.

Haharapin ng Lyceum ang University of Perpetual System Dalta sa alas-12 ng tanghali habang aariba naman ang Benilde kontra sa Arellano University sa alas-3 ng hapon.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with