^

PSN Palaro

Lady Warriors umeskapo sa Cardinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Uni­versity of the East bago kubrahin ang pahirapang 31-33, 25-20, 25-23, 21-25, 15-12 panalo laban sa Mapua University sa pagsisimula ng Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Nakuha ng Lady Warriors ang maagang 1-0 panalo sa Pool A.

Bumandera si KC Cepada na humataw ng 21 puntos habang naglista naman si Lia Pelaga ng 15 hits gayundin si Von Dimaculangan ng 11 puntos.

“We had a shaky start and we were not playing our usual game. We allowed ourselves to play on Mapua’s pace instead of us dictating the tempo,” ani head coach Ronwald Dimaculangan.

Pukpukan ang laban sa fifth set kung saan tabla pa ang iskor sa 7-all.

Nakagawa ang Lady Cardinals ng apat na sunud-sunod na errors na sinamantala ng Lady Warriors para makaungos sa 14-9.

Hindi agad bumitiw ang Lady Cardinals na naisalba ang tatlong match points para makalapit sa 12-14.

Ngunit isang krusyal na service error ang nagawa ni Mapua player Hannah De Guzman para tuluyang makuha ng UE ang panalo.

“It was an ugly win but at least I saw in them the resiliency to get bounce back. From here we’ll try to address our mistakes,” dagdag ni Dimaculangan.

Nanguna si De Guzman para sa Lady Cardinals tangan ang 10 puntos.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with