^

PSN Palaro

Baldwin suportado ang Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Baldwin suportado ang Gilas
Tab Baldwin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Buong-buo ang suporta ni dating Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Tab Baldwin sa Gilas Pilipinas sa laban nito sa mga international competitions.

Binasag ni Baldwin ang katahimikan nito matapos ang ilang buwang pananahimik kung saan iginiit ng dating Gilas mentor ang suporta nito sa Pinoy cagers.

“Always have been. There’s no prevarication on my part for that. And boss MVP knows that,” ani Baldwin.

Naging hot item si Baldwin nang magbitiw ito sa puwesto bilang program director ng SBP.

Ipinalit sa kanya si ve­teran mentor Chot Reyes na siyang tumatayong head coach ng Gilas Pilipinas at program director ng SBP sa kasalukuyan.

Sa ilalim ni Reyes, ilang masasaklap na kabiguan ang natamo ng Gilas.

Pinakamasakit nang mahubaran ng korona ang Pilipinas sa Southeast Asian Games noong Mayo sa Hanoi, Vietnam matapos matalo sa Indonesia sa finals.

Dahil dito, kaliwa’t ka­nan ang panawagan na magbitiw na sa puwesto si Reyes at ibalik sa Gilas coaching staff si Baldwin.

Maganda ang takbo ng Gilas noong hawak pa ito ni Baldwin.

Sa kabila ng mga bagitong players sa lineup, nagawa nitong manalo sa ilang laban ng Gilas Pilipinas sa mga qualifiers.

Kasama na ang ilang ulit na panalo ng Pinoy squad sa South Korea.

Kaya’t kinalampag ng Pinoy fans ang SBP na ibalik si Baldwin sa c­oaching staff.

Gayunpaman, nanindigan ang SBP kay Reyes.

Nais na lamang ni Baldwin na maging numero unong supporter ng Gilas sa bawat laban nito.

Partikular na pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas ang FIBA World Cup proper sa susunod na taon.

“I think that we would all have to commit to being the greatest sixth man in the history of the sport for this team for the World Cup. And I want to be part of that sixth man as well,” ani Baldwin.

SBP

TAB BALDWIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with