^

PSN Palaro

Gilas training pukpukan na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas training pukpukan na!
Nakatakdang dumating ngayong araw si Utah Jazz star Jordan Clarkson para samahan ang Gilas.
File photo

Sa pagdating nina Clarkson at Sotto

MANILA, Philippines — Darating na sa bansa si NBA star Jordan Clarkson upang makasama ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kung walang magi­ging aberya sa flight nito, inaasahang lalapag ang Utah Jazz star sa Maynila ngayong araw.

Una nang dumating si Kai Sotto na galing A­delaide, Australia.

Sa pagdating nina Clarkson at Sotto, tiyak na magiging pukpukan na agad ang ensayo ng Gilas Pilipinas lalo pa’t ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang qualifiers.

Kakayod ng husto ang 24-man Gilas Pilipinas pool para mabilis na makabuo ng chemistry at maging mas madali ang pagpili ng coaching staff sa Final 12 na sasabak sa qualifiers.

Kasama nina Clarkson at Sotto sa pool sina six-time MVP June Mar Fajardo ng San Miguel Beer at reigning MVP Scottie Thompson ng Barangay Ginebra gayundin sina Jio Jalalon at Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots, Kevin Alas at Calvin Oftana ng NLEX, Robert Bolick at Jamie Malonzo ng Northport, at sina Japeth Aguilar at Arvin Tolentino ng Gin Kings.

Pasok din sina CJ Pe­rez ng Beermen, Chris Newsome, Allein Maliksi at Raymond Almazan ng Meralco, Japan B.League imports Kiefer Ravena (Shiga), Thirdy Ravena (San-En), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya) at Dwight Ramos (Hokkaido), at sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Francis Lopez at Adams Roosevelt.

Maglalaro si Clarkson bilang naturalized player base sa patakarang ipinatutupad ng FIBA.

Unang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang FIBA Asia Cup runner-up Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, Lebanon kasunod ang laro kontra sa Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with