^

PSN Palaro

Taiwanese coach napahanga nina Tots, Mika

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Taiwanese coach napahanga nina Tots, Mika
Tinukoy nito sina two-time PVL MVP Tots Carlos ng Creamline at Best Middle Blocker awardee Mika Reyes ng PLDT Home Fibr sa mga tunay na nakitaan nito ng potensiyal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang pangalan ang napukaw ang atensiyon ni King Whale head coach Teng Yen-Min sa mahigit isang linggong paglalaro ng kanilang tropa sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.

Tinukoy nito sina two-time PVL MVP Tots Carlos ng Creamline at Best Middle Blocker awardee Mika Reyes ng PLDT Home Fibr sa mga tunay na nakitaan nito ng potensiyal.

Hanga si Teng sa abilidad nina Carlos at Reyes na maaasahan sa oras na kailangan ng kanilang tropa ng puntos.

Sa katunayan, hindi mawala sa isip ni Teng sina Carlos at Reyes.

“Number three of PLDT (Reyes) and Carlos of Creamline. They’re always in my mind. They can’t seem to leave my mind,” pahayag ni Teng.

Nagtala si Carlos ng 29 puntos sa dalawang laro ng Cool Smashers laban sa King Whale sa semifinals at finals ng Invitational Conference.

Nakagawa naman si Reyes ng 17 puntos sa five-set loss ng PLDT sa King Whale sa semis.

Pinuri rin ni Teng ang Creamline na itinuring nitong malakas na koponan.

“Creamline to begin with is very strong and maybe the timing was off because in Taiwan we’re currently in our resting season, resting period while with Creamline and the Philippine teams, they are currently very active and very strong right now. But it’s a learning experience,” ani Teng.

Umaasa si Teng na makababalik ito sa Pilipinas para sa muling pagsabak ng King Whale.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with