Saints, Stags buhay pa

Johnsherick Estrada.
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng Adalem Construction-St. Clare at ng Apex Fuel-San Sebastian na magwakas ang kanilang kampanya.

Tinalo ng Saints ang EcoOil-La Salle Green Archers, 72-64, habang binigo ng Golden Stags ang Marinerong Pilipino Skippers, 82-74, sa Game Two ng kani-kanilang 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pinuwersa ng Adalem-St. Clare ang EcoOil-La Salle, inangkin ang Game One, 89-74, sa winner-take-all Game Three sa Miyerkules.

Iniskor ni Johnsherick Estrada ang 11 sa kanyang 22 points sa fourth quarter at nag-ambag si Joshua Fontanilla ng 21 mar­kers para sa pagtabla ng Saints sa Green Archers sa kanilang best-of-three duel.

“Alam namin na tatapusin nina Josh and Estrada iyong game, pero dapat lahat iyan magsimula sa depensa,” sabi ni Adalem-St.Clare coach Jinino Ma­nansala.

Samantala, kumamada si Ichie Altamirano ng walo sa kanyang 13 points sa fourth period para itabla ang Golden Stags sa kanilang serye ng Skippers.

Bumangon ang ApexFuel-SSC mula sa 68-71 agwat para agawin ang 78-71 bentahe sa huling 2:07 minuto ng final canto.

Show comments