Antetokounmpo brothers maglalaro para sa Greece

Maglalaro ang magkakapatid na Giannis, Thanasis, Kostas at Alex Antetokounmpo para sa Greece.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Magsasa­ma-sama ang mga magkakapatid na Antetokounmpo sa pagsabak ng Greece sa 2022 FIBA Eurobasket.

Maglalaro para sa ka­nilang national team sina Mil­waukee Bucks teammates NBA MVP Giannis at Thanasis Antetkounmpo.

Makakasama nila ang mga nakakabatang kapatid na sina Kostas at Alex.

Si Giannis lamang ang naglaro para sa Greece no­ong 2017 edition ng con­tinental championship.

Pormal na inihayag ng Greece ang kanilang roster kung saan ipinoste ni Giannis ang kanilang litrato sa media day.

Nakatakda ang 2022 FIBA Eurobasket sa Set­yembre 1-18 na pamama­ha­laan ng mga co-hosts na Czech Republic, Georgia, Italy at Germany.

Pinagharian ng Slovenia ang FIBA Eurobasket noong 2017 matapos talu­nin ang Serbia sa finals, ha­bang tumapos sa No. 8 ang Greece.

Naglalaro ang 24-anyos na si Kostas sa ASVEL Bas­ket sa French league at sumabak ang 20-anyos na si Alex sa Wisconsin Herd sa NBA G League.

Show comments