Anak ng pangulo ng Visayas State University, nalunod

Batay sa imbestigas­yon, huling namataan ang biktima dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon habang lumalangoy sa dagat na sakop ng Barangay Guadalupe sa kabila ng sama ng panahon dulot ng bagyong Agaton.
File

MANILA, Philippines — Nagsasagawa pa rin ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard  (PCG) sa karagatan ng Guadalupe, Baybay City sa  Leyte matapos na lamunin ng dagat habang naliligo ang anak ng presidente ng Visayas State University, ayon sa ulat ng awtoridad kahapon. 

Ang biktima ay nakilalang si Adrian Paulo Tulin, anak ni Edgardo Tulin, president ng naturang kilalang agriculture university na nakabase sa Baybay City.

Batay sa imbestigas­yon, huling namataan ang biktima dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon habang lumalangoy sa dagat na sakop ng Barangay Guadalupe sa kabila ng sama ng panahon dulot ng bagyong Agaton.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi na ito makita ng mga kasamahan at hinala nila ay tinangay ng malalaking alon patungo sa malalim na parte ng karagatan.

Show comments