Vietnam aligaga na sa pagkumpleto sa SEAG venues

Ayon kay Tran Duc Phan, ang Deputy Director General na namumuno sa Vietnam General Department of Physical Education and Sports, hindi pa dumarating ang mga equipment para sa mga venues ng swimming, athletics at shooting.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Minamadali na ng host Vietnam ang pagkumpleto sa mga gagamiting competition venues para sa 31st Southeast Asian Games na nakatakda sa Mayo 12-23.

Ayon kay Tran Duc Phan, ang Deputy Director General na namumuno sa Vietnam General Department of Physical Education and Sports, hindi pa dumarating ang mga equipment para sa mga venues ng swimming, athletics at shooting.

Sinabi ni Phan na dapat maplantsa ang mga nasabing problema bago ang inspeksyon ng Southeast Asian Sports Federation sa Marso 19.

“This is an urgent time, all preparations for the 31st SEA Games from the central to local levels must be completed urgently,” wika ng SEA Games official.

Kabuuang 40 sports events ang nakalatag sa Vietnam SEA Games kung saan ang Hanoi ang magiging main hub ng karamihan ng mga ito

Naurong ang pamamahala ng Vietnam sa biennial event dahil sa COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.

Idedepensa ng Pilipinas ang overall championship na nakamit nang pamahalaan ang SEA Games noong 2019.

Show comments