^

PSN Palaro

PBA tinanggihan ang paglalaro sa Dubai Expo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA tinanggihan ang paglalaro sa Dubai Expo
Bukod sa lumolobong mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron variant ay poblema rin ng liga ang mandatory quarantine protocols sa kanilang pagpunta sa Dubai at pagbabalik sa bansa.

MANILA, Philippines — Dahil sa tuluy-tuloy na pagsirit ng mga COVID-19 cases sa bansa ay napilitan ang PBA na tanggihan ang imbitasyon ng Dubai para makasama sa Expo 2020 celebration na nakatakda sa Enero 27 hanggang 30.

Tatlo hanggang apat na koponan ang hiniling ng mga organizers ng Dubai Expo 2020 sa PBA para sumalang sa isang mini tournament.

Muli ring nagpadala ng imbitasyon si Kevin Brown, ang planning at management vice president ng Expo 22, sa PBA para sa kanilang March 25-28 playdate na tinanggihan din ng liga.

Bukod sa lumolobong mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron variant ay poblema rin ng liga ang mandatory quarantine protocols sa kanilang pagpunta sa Dubai at pagbabalik sa bansa.

Nauna nang inimbita­han ng Dubai ang PBA na maglaro sa kanilang Coca-Cola Arena sa isang full bubble setup nang pumutok ang COVID-19 noong 2020.

Unang naglaro ang PBA sa Dubai noong 2019 Governors’ Cup tampok ang mga tropa ng Barangay Ginebra, San Miguel at NLEX.

Napuwersa ang PBA Board na suspindehin ang 2021-2022 Governors’ Cup noong Enero 3 dahil sa pagtaas ng mga COVID-19 positives sa bansa.

Habang hindi pa humuhupa ang mga kaso ng mga nagpopositibo sa virus ay mananatiling nakatengga ang PBA.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user